Pahayag ng iDEFEND sa ika-74 anibersaryo ng Universal Declaration of Human Rights
Sa ika-74 anibersaryo ng Pandaigdigang Deklarasyon ng Karapatang pantao ginugunita natin ang kabayanihan ng mga tagapagtanggol ng karapatang pantao na deka dekada nang lumalaban para sa katarungan, kapayapaan, pagkakapantay pantay at para sa kalikasan. Araw araw nilang hinaharap ang malubhang panganib sa kanilang buhay at kalagayan sapagkat naniniwala sila sa isang bukas na puno ng pag asa. Kasabay ng ating pagpupugay ay ang pagtindig sa tungkulin nating lahat na magtanggol sa karapatang pantao.
Ipinagtibay ang Universal Declaration of Human Rights ng mga estado na miyembro ng United Nations noong 1948, tatlong taon matapos ang World War 2, bilang adhikain para sa kinabukasan ng sangkatauhan, kung nais nitong maiwasan ang lahat ng uri ng giyera. Ang karapatang pantao anya ay taglay ng bawat isa at hindi makukuha, mahahati o maiaalis ng sinuman, subalit ito ay nalalabag. Ang mga estado rin ang nag atas sa kanilang sarili na magtatanggol at tutupad sa karapatan ng mamamamayan. Maraming mga mekanismo ang isinasagawa upang tiyaking ginagawa ito ng mga gobyerno.
Sa ating bansa, sa kabila ng taglay nating karapatang pantao, dumaranas tayo ng patong patong na krisis, mula sa madugong pamumuno ng nakaraang gobyernong Duterte, hanggang sa di makataong pamamahala ni Marcos Jr. Patuloy ang pagpaslang sa ilalim ng giyera laban sa droga at laban sa terrorismo, patuloy ang pagdausdos ng kalidad ng buhay ng mamamayang Pilipino, patuloy ang pagbaba ng kalidad ng paggu gobyerno, at lumiliit ang espasyo para sa makabuluhang paglahok sa pamamahala. Lahat ito- mula sa marahas na pag atake sa mamamayan at kritiko ng gobyerno, hanggang sa pagpapabaya sa obligasyon nitong tugunan ang krisis ekonomiko- ay paglabag sa ating karapatang mabuhay nang matiwasay, payapa at maunlad. Matumal ang pagtupad ng gobyerno sa kanyang tungkuling respetuhin, itaguyod at isakatuparan ang ating mga karapatan, habang buong sigla naman nitong sinusulong ang mga patakaran at polisyang sumisira sa ating kapakanan.
Sa huli nakasalalay pa rin sa atin ang pagtitiyak na matatamasa ng bawat Pilipino ang kalayaan, katarungan at dignidad sa pamamagitan ng mahigpit na pagbabantay sa gobyerno, pagprotesta laban sa tiwali ang maling patakaran nito at ang pagpapalakas ng boses ng mamamayan upang igiit ang karapatang matagal nang ipinaglalaban. Atin gampanin ito nang buong sigla, na may pagkalinga sa isa’t isa, at buo ang pag asang hindi mananatili ang kadiliman.