
Mga dapat dalhin at mga dapat gawin para sa ligtas na pagkilos
Kung ikaw ay lalahok sa kilos-protesta, ito ang mga bagay na kailangan mong malaman.
Mga dapat dalhin
Face mask
Kung may health condition ka, mahalagang gumamit ng face mask dahil iba’t-ibang tao ang makakasalamuha mo. Makakatulong ito para makaiwas sa mga sakit. Makakatulong din ang face mask para proteksyunan ang iyong identity. Magdala ng isa o mas marami, para sa’yo at iba pang mga kasama.
Sunglasses, Bandana at Sombrero
Maliban sa proteksyong ibinibigay nito laban sa araw, makakatulong din itong protektahan ang iyong privacy at labanan ang surveillance.
Payong at Kapote
Kung sakaling umulan, mahalagang may magagamit ka para hindi mabasa. Magagamit din ito kung sakaling mag-deploy ng bombero para i-disperse ang mga nagpo-protesta.
Tubig
Magdala ng sarili mong lalagyan ng tubig kaysa bumili ng bottled water. Sa ganitong paraan, hindi na madadagdagan ang mga basura.
Damit at pamalit
May mga dress code ang ilang mga kilos-protesta. Magsuot ng naaayong damit at sapatos na malaya kang makakakilos. Huwag kalimutang magdala ng pamalit pagkatapos ng pagkilos.
Gamot, sun block at alcohol
Huwag kalimutang magdala ng gamot para sa sakit ng ulo, allergies at iba pa. Kasama na ang pagdadala ng rubbing alcohol. Maganda ring may dala ka at gumamit ng sun block bilang proteksyon sa iyong balat.
Garbage bag at plastic bag
Magandang may dalang matibay na garbage bag o plastic bag para magamit sa pagsisinop ng kapaligiran matapos ang protesta. Magagamit din ang mga ito bilang proteksyon sa iyong mga paa kung sakaling bumaha.
Bag o backpack
Magdala ng naaayong bag o backpack na paglalagyan ng iyong mga gamit. Siguraduhing secure ang gagamitin para iwas dukot, nakaw at tanim-bala.
Mga dapat gawin
Siguraduhing may kasama, ka-buddy, ka-partner
Mahalagang lumahok sa kilos-protesta, pero mahalaga ring makauwi ng ligtas. Siguraduhing may mga kasama sa buong daloy ng protesta at beripikahing nakauwi ng ligtas ang lahat pagkatapos ng pagkilos. At tiyaking laging mayroong nakakaalam ng iyong kinaroroonan, dapat may nakaka-monitor sa iyo na kaanak o kaibigan.
Emergency numbers
Isulat sa papel ang mga emergency numbers na pwedeng kontakin kung sakaling magkaproblema. Mahalaga ito laluna kung mawala ang iyong smartphone.
Mobile Backup
Posibleng mawala, manakaw, makumpiska ang iyong mga gamit. Mahalagang I-backup muna ang iyong smartphone o anumang device na iyong dadalhin.
Brigefy app (https://bridgefy.me/
Kung sakaling mawala o patayin ang internet, mahalagang makapag-communicate pa rin habang nagpo-protesta. Magagamit ang Brigefy app via bluetooth sa pagkakataong ito. Tandaan na gagana ang app sa loob ng 100 metro. Mas maraming gumagamit nito, mas lumalaki ang area na pwedeng magpadala at makatanggap ng mensahe. I-share sa lahat na mag-install nito.
Flood Control Protest Group by iDEFEND
Mahalaga ang mass communication sa panahon ng protesta. Maaring mag-share ng balita, tips, warnings, humingi ng tulong at makatulong. Ang Flood Protest Group ay magagamit ng iba't-ibang individwal at grupo para sa ligtas at pribadong communication at coordination.
Para maprotektahan ang identity at privacy ng mga individual na kalahok, gamitin natin ang Signal Messenger. Tiyak na end-to-end encrypted ito at walang kumpanya o government body ang magkokontrol nito. Maaari kang gumawa ng alias sa iyong profile at username for sharing as contact info. Hindi mo kailangan i-share ang iyong tunay na pangalan at phone number. Sundan ang mga hakbang sa ibaba.
Install Signal: Pumunta sa https://signal.org/install o i-scan ang QR Code sa ibaba para i-install ang Signal.

- Buksan ang Signal app at mag-register gamit ang iyong phone number para matanggap ang verification code.
- Pwedeng tunay mong pangalan ang gamitin o gumamit ng alias sa profile para hindi ka matukoy.
- Kapag na-setup na ang Signal app, pumunta sa Settings > Privacy > Phone Number at siguraduhing "Nobody" ang naka-check sa "Who can see my number" at "Who can find me by number".
- Pumunta sa Settings > Profile at i-setup ang username. Dalawang bahagi ito: "Text" at "Number". Pareho itong pwedeng baguhin.
Kapag maayos na ang lahat, maaari ka nang sumali sa Flood Control Protest Group (https://tinyurl.com/floodcg). I-scan lamang ang QR Code sa ibaba.

- Hashtag: Gumamit ng hashtag para madaling mahanap ang mga impormasyon. Halimbawa, gamitin ang #help kung kailangan ng tulong. #warning kung may babala, #tips kung may nais ibahagi.
- Ingatang magbahagi ng personally-identifiable information. May feature ang Signal na pwedeng i-blur ang mga mukha sa isang photo kung kailangan.
Ang Flood Control Protest group na ito ay pinangangasiwaan ng In Defense of Human Rights and Dignity Movement o iDEFEND. Ito ay para sa lahat. Walang censorship na magaganap. Pero bawal ang mga mensaheng nagpapakita o naghihikayat ng hindi magandang mga aktibidad.
Panghuli
Siguradong marami pang susunod na kilos-protesta, at hindi lang flood control projects ang may kurapsyon. Mahalaga ang organisado at ligtas na pagkilos para maipanalo ang laban.
Facebook: https://www.facebook.com/iDEFENDofficial
Signal Username: iDEFEND.99











